
Actress Xyriel Manabat answers basher on TikTok anew: “Sa ugali ka na nga lang babawi sa kat4ng@han mo pa PINAKITA kung sino ka.”
PHOTO/S: Courtesy: TikTok
Muling sumagot ang aktres na si Xyriel Manabat sa isang basher.
Nitong nakaraang November 3, 2024, nag-post si Xyriel sa kanyang TikTok account tungkol sa ipinu-promote niyang Korean scalp care oil.
Ayon kay Xyriel, dapat maganda raw ang buhok dahil ito ang unang nakikita sa isang tao.
Pero iba naman ang tinumbok ng isang nagkomentong netizen na una raw nakikita kay Xyriel.
Wala mang direktang tinukoy ang netizen, mahihinuhang ibang parte ng katawan ng aktres ang unang napapansin dito—ang malusog nitong dibdib.
Ayon sa netizen, “Weehhh buhok ba talaga unang una nakikita sa ‘yo??”
Ne-gets ni Xyriel ang malisyosong komentong ito kaya buwelta niya: “Sa ugali ka na nga lang babawi sa kat4ng@han mo pa PINAKITA kung sino ka”

Kunyari ay sumagot ng sad emojis ang nasabing basher.
Sabat naman ng isa pang basher, “Haha.. pikon ka naman Retokada ka!!”

Hindi na ito sinagot nii Xyriel.
Sa kabilang banda, natuwa naman si Xyriel sa isang komento ng isang follower niya.
Ayon dito, “Yung mata po halatang hardworking girl ka tlga pahinga din idol para lalong gumanda”
Sagot ni Xyriel sa kanya, “HAHAHAHHAAHHAAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA THANKS FOR THIS”

XYRIEL MANABAT ALWAYS BASHED BECAUSE OF HER BOOBS
Inamin ni Xyriel na noon pa man ay may kaakibat na pasakit ang pagkakaroon niya ng malaking dibdib.
Bukod daw kasi sa paghahanap ng damit ay problema rin niya ang sakit na dulot nito sa kanyang katawan.
Ito ang ibinahagi ni Xyriel nang makapanayam siya ni Ogie Diaz sa YouTube channel ng huli noong June 20, 2023.
Sabi niya, “Sa totoong buhay po, masakit sa likod.
“Totoo po yung back pain, tapos nakukuba ka po talaga, tapos ang hirap pong humanap ng matinong posisyon.
“Mahirap po talaga siya.”
Pagbabahagi ng dating child actress, hindi niya masisisi ang iba kung nais nilang magkaroon ng malaking hinaharap.
“Kumbaga, kahit malaki, masikip kapag isinuot sa kanila ang ganda. Well, ewan ko po, yun lang po yung perspective ko.”
Hindi naman daw sa inaayawan ni Xyriel ang ibinigay sa kanyang pangangatawan.
Ngunit kung pag-uusapan ang pagiging praktikal ay pipiliin niyang maging flat-chested na lang.
Aniya, “Mas less wardrobe malfunction. Hindi po dahil sa attention or sa pagiging sexy ibabase, yung practicality.
“Wardrobe malfunction, body pains. Struggle po siya, e.
“Hindi ko naman po siya ikinakahiya o inaayawan, kasi yung iba talaga pinapalagay pa.”
Isa rin sa nakikitang rason ni Xyriel ang kakulangan niya sa tangkad kung kaya’t patuloy na napapansin ang kanyang dibdib.
ON DISRESPECTFUL COMMENTS FROM NETIZENS
Noong 2020 nang simulang atakihin si Xyriel ng mga bashers dahil sa pagbabago ng kanyang katawan.
Malalaswa at below the belt ang comments ng ibang netizens, tulad ng “bold star, sobrang laki ng boobs, kamanyak-manyak.”
Hindi rin ikinaila ni Xyriel na ang isyung ito ay nakaapekto sa kanyang mental state at umabot pa sa usaping legal.
Aniya, “Maaapektuhan at maaapektuhan po ako kasi hindi lang po iyon pagko-comment o pagba-bash.
“Binabastos po nila ako and ino-objectify. Sine-sexual assault nila ako in a way. Hindi po yon dapat pinapalagpas.”
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load