
Kasal na pala ang comedy star na si Vice Ganda sa boyfriend nitong si Ion Perez.
Ibinahagi ni Vice ngayong araw, February 13, ang naganap na kasalan sa Las Vegas noong 2021 sa kanyang YouTube channel.
Base sa vlog ni Vice, noong October 19, 2021 pa sila ikinasal ni Ion sa The Little Vegas kung saan nagpalitan sila ng wedding vows sa wikang Pilipino.
Sa wedding vows ay tinawag din nila ang isa’t isa sa kanilang mga palayaw: “Tuy” para kay Vice at “Noy” para kay Ion.
Bahagi ng wedding vow ni Ion kay Vice, “Buung-buo ang loob ko na makasama ka. Mahal na mahal kita, Tuy.”
Sagot naman ni Vice dito, “Noy, mahal na mahal din kita. Ang saya-saya ko na ikaw ang kasama ko ngayon at kahapon. At makakasama ko pa rin bukas at sa susunod pang araw. I promise na mag-iipon pa ako ng maraming maraming pagmamahal sa puso ko.”
Sinuotan din nila ng singsing ang isa’t isa at nagpirmahan ng kanilang Certificate of Commitment.

Nang sabihin ng presider na puwede na silang mag-kiss, naghawak ng kamay at saka nagyakapan sina Vice at Ion.
Pagkatapos nito ay hinalikan ni Ion si Vice sa noo ng tatlong beses.

Ilang araw lang pagkatapos ng kasal nina Vice at Ion ay ipinagdiwang na nila ang kanilang ika-tatlong anibersaryo bilang magkasintahan noong October 25.
Kaya naman sa dulo ng vlog ni Vice ay nakalagay na: “To infini-THREE and beyond.”
Unang ibinunyag ni Vice ang relasyon nila ni Ion sa “Magpasikat” performance ng TV host sa It’s Showtime noong October 2019.
Bago pa nito ay sunud-sunod na ang naging palitan nila ng “I love yous” sa It’s Showtime.
Minsan na ding nabanggit ni Ion na gusto niyang pakasalan si Vice.
News
DALAWANG PINOY SA NBA! Events Summer League at BWB ngayong taon! | at ang BABALA ni Abando sa KBL? (NG)
DALAWANG PINOY SA NBA! Events Summer League at BWB Ngayong Taon! | At Ang BABALA ni Rhenz Abando sa KBL? Excitement is in the air as Filipino basketball fans gear up for an eventful year, as two Filipino players are…
NAIYAK ANG MGA KORYANO! sa pag-alis ni Rhenz Abando! At NBA players ng Japan lalaro sa B-League? (NG)
NAIYAK ANG MGA KORYANO! Pag-alis ni Rhenz Abando, Binanggit sa Social Media! At NBA Players ng Japan Maglalaro sa B-League? The basketball world has been rocked with two monumental developments: Rhenz Abando’s exit from Gilas Pilipinas, which sent shockwaves across…
D BEST KA RHENZ ABANDO! LUMIPAD! MONSTER BLOCK! ANONG HEIGHT MO? SOLIDIFIES HIS SUPERSTARDOM (NG)
D BEST KA, Rhenz Abando! Lumipad! Monster Block! Anong Height Mo? Solidifies His Superstardom! Rhenz Abando has just reminded everyone why he’s one of the most electrifying players in Philippine basketball today! “D Best Ka, Rhenz Abando!” echoes throughout the…
Ayaw na ni Rhenz Abando mag laro sa Gilas Pilipinas! SINAYANG ni Chot Reyes! Naghahabol ngayon! (NG)
Ayaw na ni Rhenz Abando Maglaro sa Gilas Pilipinas! Sinayang ni Chot Reyes, Naghahabol Ngayon! In a shocking turn of events, Rhenz Abando has reportedly turned down the opportunity to represent Gilas Pilipinas, leaving fans and analysts stunned. The talented…
OMG! RENZ ABANDO! Napansin na ng NBA! Tuloy ang NBA Dream ng Mga Pinoy! FINALLY After KAI! ABANDO! (NG)
OMG! Rhenz Abando Catches NBA’s Attention! The Filipino NBA Dream Lives On – After Kai Sotto, It’s Abando’s Time! Hold on to your seats, basketball fans! The unthinkable has happened – Rhenz Abando has caught the eye of the NBA,…
Breaking! RENZ ABANDO! WITH 100M NBA OFFER! Literal na Ginulat Ang MUNDO! Nauna Pa Kay KAI SOTTO (NG)
Breaking News: Rhenz Abando Stuns the World with a 100M NBA Offer! Beats Kai Sotto to the Punch! In a jaw-dropping turn of events, Rhenz Abando has made headlines worldwide with the announcement of a whopping 100 million NBA offer!…
End of content
No more pages to load