Biglang sinabi ni Vilma Santos kay Nora Aunor at sa mga bagong artista ng bansa: 'I really want to send you a..." - News

Biglang sinabi ni Vilma Santos kay Nora Aunor at s...

Biglang sinabi ni Vilma Santos kay Nora Aunor at sa mga bagong artista ng bansa: ‘I really want to send you a…”

Vilma Santos nagpupugay kay Nora Aunor at sa mga bagong national artist: ‘I sincerely congratulate all of them’

Bahagi na ng kasaysayan sa Philippine showbiz ang rivalry nina Nora Aunor at Vilma Santos. Tinawag na Noranians ang supporters ni Nora at Vilmanians naman ang kay Vilma. Superstar naman ang bansag kay Nora at Star For All Seasons ang ibinansag kay Vilma.

Sa bagong achievement ni Nora bilang National Artist for Film ay hindi maiwasang marami sa mga tagasuporta ni Vilma ang pawang nalungkot. Hindi kasi nakasama ang aktres sa listahan ng mga idineklarang National Artist ngayong taon.

Kasama ni Nora sa listahan ng mga bagong National artist na inanunsiyo noong June 10 ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) sina Ricky Lee (Film), Agnes Locsin (Dance), Gémino Abad (Literature), Fides Cuyugan-Asensio (Music), Tony Mabesa (Theater), Salvacion Lim-Higgins (Fashion), at Marilou Diaz-Abaya (Film).

Sa group chat ng mga Vilmanians ay nagpadala ng mesahe si Ate Vi sa kanyang mga tagasuporta.

Aniya, “Huwag na kayo maging malungkot. Naniniwala ako na sa mundong ito, if anything is meant to happen, it will find its way.”

Naniniwala din ang award-winning aktres na ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang panahon.

“And yes, there is always a time for everything,” sabi pa niya.

Pinasalamatan din ng Star for All Seasons ang kanyang mga supporters sa walang sawang pagsuporta ng mga ito sa kanyang career mula pa noong nagsisimula siya sa showbiz hanggang sa ngayon.

“Maraming salamat sa inyo dearest Vilmanians sa patuloy at walang humpay ninyong pagsuporta sa akin. Mahal na mahal ko kayong lahat,” sambit pa ni Vilma.

Idinagdag din niya na dapat ay bigyan ng pagpupugay ang mga bagong national artists ng bansa dahil deserving ang lahat ng mga ito sa parangal.

“Bawat isa sa kanila ay may angking galing at talino na lubos na kahanga-hanga. I sincerely congratulate all of them. Mabuhay kayo mga Vilmanians!” deklara ni Ate Vi.

Samantala, bagamat naging magkaribal sa showbiz simula 1970 hanggang 1990 ay nanatiling magkaibigan ang dalawang aktres na nagkasama sa mga Filipino classic films na Ikaw Ay Akin na idinirek ni Ishmael Bernal at T-Bird at Ako ni Danny Zialcita.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…