SHOCKING NEWS: Belle will ‘oust’ Kathryn from the throne, what is the real reason?/hi

Belle ‘patatalsikin’ sa trono si Kathryn

Ang pangkat katkatera at team dalahira, buong-buo ang pananalig na si Belle Mariano ang bukod tanging Kapamilya na kasado ang pagkabog kay queen Kathryn Bernardo.

Huwat! Hindi si Hope Elizabeth Soberano na ka-kontempararyo ni Bernardo ang kakakabog sa

kanya? Hindi! Hollywood stardom ang ilusyon nito at sa kasalukuyan, best in pagkakalat ang dramarama.

Hindi rin si Nadine Lustre na kapwa niya award winning actress?

Si Belle ay being molded and patterned sa career path at trajectory ni La Bernardo. Laging pa-damsel in distress ang mga katauhan, check! Laging una ay ayaw sa katauhan ng katambal sa pelikula pero paglaon ay mamahalin in a major, major way, double check. At talagang mas “maganda” pa sa kaniya ang kanyang ka-love team, triple check.

Same si Donny Pangilinan at Daniel Padilla na mas superlative looking kung itatabi sa mga babaing iniirog nila.

Ngayon nga, ang mga patalastas na dati si queen Kath ang bida, na kay little miss Mariano na. May tatlo itong major endorsements kung saan sa dalawa siya lamang ang artista kasama ang mga commercial model at ang isa ay para sa isang telecommunication giant kasama ang nag-iisang Donny sa puso niya. Iyan ay kung totoo nga ang lahat at hindi lang sila basta sunod-sunuran sa gusto ng pamunuan, huh!

Kaya rin si Mariano ang sinasabing kakabog kay Bernardo ay dahil sa may patunay na ito na hindi ito gaanong ka-dependent sa tambalan at pagsasama nila ni young master Pangilinan.

Bago pumutok ang DonBelle, may Jeremiah Lisbo na si Mariano. At ang presensya ni Lisbo sa buhay at karera ni Belle, ang mas nagpalakas pa lalo sa kanyang alindog at kariktan. Pati na rin ang pagdami ng kanilang mga fan ni Donny dahil alam nga nilang may sapat na lakas at puwersa si Miah kay pretty young miss Belle on and off the camera.

Ang isang patotoo na siya talaga ang karibal ni Kathryn, nakalap ng diva that you love ang isang panayam ni Mariano kung saan ipinahayag nito na bet na bet niyang maging bida-kontrabida. Isang bagay na never namutawi o ipinahayag ni Queen Kath. Tandaan, nanalig lamang ang lahat na mahusay siyang aktres nu’ng nakatambal niya ang Asia’s Multimedia Star Alden Richards. Walang angas o tapang ang queen Kath na ibunghalit ng pangmalakasan na gusto niyang maging bida-kontrabida.

Kaya nga, ang diva that you love, join sa pananalig ng pangkat katkatera at team dalahira na talagang it’s Belle Mariano versus Kathryn Bernardo ang tunay na magkaribal at magkakabugan.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News