Hiwalayang Kim, Xian, lalong umugong dahil kay Vice Ganda
Umugong lalo ang usap-usapan tungkol sa hiwalayan ng mag-jowang sina Xian Lim at Kim Chiu matapos gisahin ng tanong ni “Unkabogable Star” Vice Ganda ang co-host nito sa isang episode ng “It’s Showtime” noong Huwebes, Nobyembre 2.
Tinanong kasi ni Vice ang isang contestant ng “Tawag ng Tanghalan” kung sino umano ang iniisip nito habang kinakanta ang “Kulang Ako Kung Wala Ka”.
Tila nahihiya pang umamin noong una ang contestant pero nasukol din naman ito ng mga host ng show.
Hiningan pa nila ng mensahe ang contestant para sa minamahal nito bagama’t hindi na nagbanggit pa ng pangalan.
“Hi,” sabi ni Kim sabay tawa nang walang tinutukoy na pangalan.
“Napaka-OA nito,” dagdag pa niya.
Muling inulit ni Vice sa pangalawang pagkakataon ang kaniyang tanong: “Sinong nagpapangiti sa ‘yo lately?”
“Siyempre mga pamilya ko, kamag-anak ko,” tugon ni Kim.
Pero tila hindi pa rin nakuntento si Vice. Sumundot pa ulit ito ng isa pang tanong.
“Ano ang puwede mong sabihan na kulang ka ‘pag wala siya?”
Tila nablangko nang ilang sandali si Kim sa tanong na ito ni Vice kaya kinantiyawan siya ng komedyante.
Kaya ang ginawa ni Kim, sumegway na lang siya para i-promote ang “Linlang” na mapapanood sa Prime Video, isang online streaming platform at pinuri ang co-star na si Kaila Estrada.
Pero ibinalik ulit ni Vice ang tanong matapos i-promote ni Kim ang TV series nito.
“Kulang ka ‘pag wala ito?”
“Kulang ‘pag walang usap,” sagot ni Kim.
“Because in everything that we do, communication is the key,” dagdag pa niya.
Usisa pa ni Vice? “Kulang ka ‘pag di mo siya nakakausap?”
“Yes,” tugon ni Kim.
“Wow, sino ba ito?” pang-iintriga ng komedyante.
Bagama’t natagalan pa bago nakasagot si Kim, sinabi rin naman niya kung sino-sino ang mga kumukompleto sa kaniya: “Kapatid ko, ate ko, papa ko, si Xi.
May napansin naman ang ilang netizen sa hitsura ni Kim habang sinasagot ang tanong sa kaniya ni Vice. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“Even though she’s smiling and laughing, it’s so evident in her eyes that she’s hiding something, maybe sadness or something. It seems like she will cry anytime, or she has already cried. I hope you are okay, Kim. I am rooting for you in your nakakahighblood na Linlang series. Love you 😘”
“Why did she look like she was about to cry? Especially when she was asked and she said communication. I don’t want to believe anything usually but I do feel like they’re going through something and I hope they make it 😭💔”
“Ang lalim ni kim kahit anong lakas ng tawa niya pero may pinag dadaanan sila ni xi🥲assumera🤣”
“Haha tearry eyed si kim. Pansin niyo?😢”
“Nakikita sa mata na malungkot c kim. Parang iiyak na o umiyak na.”
Pinabulaanan naman ni Kim sa isang thanksgiving press conference ng “Linlang” ang kumakalat na balitang hiwalay na umano sila ni Xian.
News
Matet De Leon gets angry when Ate Guy won’t lend her that thing…/hi
Matet De Leon Hindi Galit Kahit Hindi Pinautang Ni Ate Guy Noon! Muling may isiniwalat si Matet De Leon hinggil sa kanyang adoptive mother na si Nora Aunor. Ayon sa video na ibinahagi ni Matet sa kanyang Instagram stories, nilinaw…
HOT: Fans shocked by Boyet De Leon’s advice to his ex-wife Nora Aunor/hi
Boyet De Leon My Payo Sa Dating Misis Nito Na Si Nora Aunor Na-enjoy ng veteran acrtor na si Christopher De Leon ang lock-in taping ng ‘Lolong’ dahil bukod sa mga co-actor niya at mga production staff, nakasama din niya…
HOT: After divorcing Enrique Gil! Liza Soberano has a new boyfriend, Enrique Gil’s move right after that is shocking/hi
Matapos Hiwalayan Si Enrique Gil! Liza Soberano May Bagong Boyfriend Na! Matapos ang hiwalayan ng magkasintahang sina Enrique Gil at Liza Soberano, ay may kumakalat namang balita ngayon na si Liza ay may bagong nobyo na. Naging viral at pinag-usapan…
SHOCK: Karla Estrada exposes KathNiel’s problem, fans are shocked/hi
Karla Estrada Nilinaw Ang Isyu Na Hiwalay Na Ang KathNiel! Nagbigay na ng pahayag ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa isyung hiwalay na ang kanyang anak sa longtime girlfriend at loveteam nitong si Kathryn Bernardo. Sa…
LATEST NEWS: ABS-CBN Network will disband KathNiel group, due to pressure from…/hi
ABS-CBN Network Bubuwagin Na Ang Tambalang KathNiel Usap-usapan ngayon sa social media ang isyung hindi lamang ang romantic relationship nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nagtapos kundi maging ang kanilang loveteam. May mga naglabasang isyu na maging ang kanilang…
HOT NEWS: Kathryn Bernardo, kinumpirma ang status ng relasyon nila ni Alden Richards, aksidenteng nakadiskubre ng sikreto ang netizens/hi
Kathryn Bernardo Kinumpirma Ang Status Ng Rebelasyon Nila Ni Alden Richards! Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan sa ilang mga social media platforms ang naganap na surprise party para sa aktres na si Kathryn Bernardo nitong April 2, 2024. …
End of content
No more pages to load