Vice Ganda Reveals Las Vegas Wedding With Ion Perez Last Year, There’s One Thing Many People Didn’t Expect (ch)

Vice Ganda Ion Perez wedding\

Kasal na pala ang comedy star na si Vice Ganda sa boyfriend nitong si Ion Perez.

Ibinahagi ni Vice ngayong araw, February 13, ang naganap na kasalan sa Las Vegas noong 2021 sa kanyang YouTube channel.

Base sa vlog ni Vice, noong October 19, 2021 pa sila ikinasal ni Ion sa The Little Vegas kung saan nagpalitan sila ng wedding vows sa wikang Pilipino.

Sa wedding vows ay tinawag din nila ang isa’t isa sa kanilang mga palayaw: “Tuy” para kay Vice at “Noy” para kay Ion.

Bahagi ng wedding vow ni Ion kay Vice, “Buung-buo ang loob ko na makasama ka. Mahal na mahal kita, Tuy.”

Sagot naman ni Vice dito, “Noy, mahal na mahal din kita. Ang saya-saya ko na ikaw ang kasama ko ngayon at kahapon. At makakasama ko pa rin bukas at sa susunod pang araw. I promise na mag-iipon pa ako ng maraming maraming pagmamahal sa puso ko.”

Sinuotan din nila ng singsing ang isa’t isa at nagpirmahan ng kanilang Certificate of Commitment.

 

Vice Ganda and Ion Perez wedding

Nang sabihin ng presider na puwede na silang mag-kiss, naghawak ng kamay at saka nagyakapan sina Vice at Ion.

Pagkatapos nito ay hinalikan ni Ion si Vice sa noo ng tatlong beses.

Vice Ganda and Ion Perez wedding

 

Ilang araw lang pagkatapos ng kasal nina Vice at Ion ay ipinagdiwang na nila ang kanilang ika-tatlong anibersaryo bilang magkasintahan noong October 25.

Kaya naman sa dulo ng vlog ni Vice ay nakalagay na: “To infini-THREE and beyond.”

Unang ibinunyag ni Vice ang relasyon nila ni Ion sa “Magpasikat” performance ng TV host sa It’s Showtime noong October 2019.

Bago pa nito ay sunud-sunod na ang naging palitan nila ng “I love yous” sa It’s Showtime.

Minsan na ding nabanggit ni Ion na gusto niyang pakasalan si Vice.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News