Kathryn Bernardo, naging emosyonal sa kanyang speech sa victory party ng 'The Hows Of Us' | ABS-CBN Entertainment

Inamin ni Kathryn Bernardo na muntik na siyang sumuko sa mga pinagdaanang challenge sa kanyang career kaya laking gulat niya na humigit pa sa kanyang inaasahan ang naging success ng pelikulang “The Hows of Us”.

Hindi napigilan ni Kathryn na maging emosyonal sa kanyang speech para sa victory party ng pelikula nila ni Daniel Padilla na “The Hows of Us” na lagpas 500 million pesos na ang kinkita. Maraming nagulat kay Kathryn sa kanyang mensahe.

“Dumating ako sa point na parang sumuko na rin ako sa magkakasunod na nangyari and then they asked me, do you want this? And then I said yes… so sabi niya na as long as gusto mo, dito kami para tulungan ka at hindi naman ako nabigo hanggang matapos ang pellikula,” ani Kathryn.

Hindi naman nagbago ang ipinakitang suporta ni Daniel kay Kathryn mula pa nang magsimula ang kanilang tambalan.

“First movie pa lang namin ni Kathryn, hindi naman na nagbago ang suporta ko sa kanya hanggang ngayon,” ayon kay Daniel.

Ayon kay Kathryn, marami siyang natutunan sa chapter na ito ng kanyang buhay.

“Tinanggap namin ‘tong ‘The Hows of Us’ na hindi ko alam kung ano ang magiging outcome na kailangan mo siyang sugalan,” dagdag pa ni Kathryn.

Palabas pa rin at pinipilahan ang “The Hows of Us”.

Ang buong detalye sa Umagang Showbiz Balita ni Jeff Fernando