heart evangelista

 

Binalikan ni Heart Evangelista, 37, ang mga pinagdaanan niya nang mag-audition at madiskubre sa ABS-CBN, ang dati niyang home network.

Hindi raw pabor noon ang kanyang pamilya sa kanyang pag-aartista. May nagsabi rin daw sa kanya noong hindi siya sisikat.

Si Heart ay ini-launch bilang bahagi ng Star Circle Batch 9 noong 2001.

Pero bago raw ito, katakut-takot na audition muna ang kanyang pinagdaanan.

Bata pa lamang daw si Heart ay pangarap na talaga niyang maging artista.

Dahil ayaw ng kanyang pamilya, ang tanging nakaalam sa pag-a-audition niya ay ang inang si Cecilia Ongpauco.

Ang nakakita raw sa kanyang potensiyal ay si Johnny “Mr. M” Manahan, ang co-founder ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

“I lined up in front of Mr. M…

“And before we even lined up in front of him, there were a lot of being axed because hindi ka pumasa sa next ganito, ganyan…

“So, I lined up…” pagbabahagi ni Heart sa kanyang YouTube video noong April 10, 2022.

“Mr. M was there standing in front of me [sa] Star Magic office iyan.

“And he said, ‘You, come forward.’

“So, I came forward and he says, ‘What’s your name?’ and I said, ‘Heart.’

“And he said, ‘Can you sing?’”

Bagamat hindi raw siya singer, kinanta ni Heart ang “Eternal Flame” ng The Bangles.

“And then I got a call back. We went through months and months of workshops.”

Habang patuloy raw ang workshops, pakonti nang pakonti ang kanilang grupo “until we were launched for Star Circle Batch 9.”

Ini-launch ang 28 hopefuls ng Star Cicle Batch 9 noong June 2001.

Kabilang sa mga ka-batch ni Heart ay sina Angel Locsin, Alwyn Uytingco, Lloyd Zaragoza, Cherry Lou, Janus del Prado, at Rafael Rosell.

HEART’S REPUTATION

Ang kauna-unahang show ni Heart sa bakuran ng ABS-CBN ay ang youth-oriented show na G-mik.

Nang mag-audition siya, ramdam daw ni Heart na hindi siya gusto ng mga tao noon.

Lahad niya, “I did an audition for G-mik and I really, really wanted to be part of G-mik because I watch G-mik, and then I was such a huge fan of everyone.

“And crush na crush ko si John Prats nung mga times na iyon.

“So, I auditioned and I remember the first [time] I auditioned, they hated me kasi arte-arte ko.

“Kung maarte ako ngayon, mas maarte ako before. As in baluktot ako mag-Tagalog.

“I grew up in the States, and then hindi ako marunong mag-‘po’ at ‘opo.’

“So umpisa pa lang, parang ‘Ay, parang hindi ko siya bet,’ parang ganun.

“But I was just being myself. I wasn’t bratty, I was very eager and willing.

“And then I got the part.”

heart evangelista

Heart Evangelista and John Prats were paired up in G-mik

Nagsimula silang ipareha ni John Prats na nauwi sa isang relasyon, pero eventually ay nagkahiwalay rin.

Sa simula raw ay nahirapan si Heart dahil hindi pa niya nauunawaan ang showbiz culture.

Nakaranas din daw siya ng diskriminasyon noon mula sa ibang tao.

“I was chinita at that time. Parang hindi kasi masyadong accepted kasi pag umiyak ka…

“I remember somebody telling me, ‘Ang liit-liit ng mata mo, hindi ka puwedeng maging artista kasi hindi ka expressive sa mata.’

“I was always, always so heartbroken every time they said na parang arte-arte, kikay, parang character actress lang ako.”

Pero nagpatuloy si Heart sa encouragement ng kanyang ama, ang businessman na si Reynaldo Ongpauco.

THE HARDSHIPS OF HEART

Nang maging MYX VJ si Heart ay bumida rin siya sa kanyang kauna-unahang teleserye na Hiram (2004).

Pero paglilinaw ni Heart, ang nakikita lang ng mga tao, masaya ang showbiz pero hindi ang hirap ng kanilang trabaho.

“In showbiz, you only see the good part—dancing on TV, acting, wearing fancy clothes—but I was really going through a lot at that time,” ani Heart, na nagkaproblema rin noon sa kanyang konserbatibong pamilya.

“Maraming bawal. Bawal kang ganito. Bawal kang makitang nang ganyan.”

Pero nakatulong din naman daw ito para hindi siya mapariwara.

Naging masaya raw si Heart sa kanyang pagiging VJ sa MYX.

“I’ve always been very kikay, I’ve always been very hardworking.

“It started when I was with MYX. I could talk about anything. They allowed me to be myself.”

Pero nagsimulang magbago ang lahat nang mag-transition siya sa paggawa ng mga telesrye.

Aniya “I was transitioning to telenovelas. I remember that they had to pull me out of MYX because they had to clip that part of me.”

Pakiramdam daw ni Heart, tinanggal sa kanya ang trabaho kung saan siya puwedeng magpakatotoo.

“Hindi siya acceptable na ganun ka kakikay, ganun ka ka-bubbly.

“Pag gumagawa ka ng telenovela kasi, you have to be a serious actress.”

Nag-focus si Heart sa paggawa ng mga teleserye.

“Matagal kong na-suppress kung sino talaga ako…” sabi niya.

Taong 2008 nang umalis si Heart sa bakuran ng ABS-CBN at lumipat sa GMA Network.

Sabi ni Heart, nagkaroon ng turning point sa kanyang buhay noong 2014.

“Everything was on the reset. I was lost. I started from scratch again,” aniya.

Bagamat kailangan niyang gumawa ng teleserye para kumayod, napagtanto ni Heart na kailangan niyang gumawa ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanya.

Dito raw siya nagsimulang i-pursue ang mga hilig niya, gaya ng pagiging influencer at painter.

“I remember Chiz [Escudero] telling me, ‘You have to do something that will make you feel alive and happy while kumakayod.’”

Sinimulan daw ni Heart ang kanyang YouTube video at ipinagpatuloy ang hilig sa painting at fashion.

“Everything you do in life, you have to work for it. You have to really work hard and to have to be real. Ito ba talaga ang gusto ko?

“You have to do something that you love also on the side, because yun yung nagiging fruitful. Yun yung magbu-bloom.”

Kaya ngayon, ginagawa rin ni Heart kung ano ang hilig niya: fashion, wellness, at beauty.