May be an image of 4 people and television

Humahanga ngayon si Cristy Fermin sa mga host ng ‘It’s Showtime’ lalo na kay Kim Chiu dahil sa positibo nilang pagre-react sa nangyayari sa katapat nilang ‘Eat Bulaga’.

Humahanga ngayon si Cristy Fermin sa mga host ng ‘It’s Showtime’ lalo na kay Kim Chiu dahil sa positibo nilang pagre-react sa nangyayari sa katapat nilang ‘Eat Bulaga’.

“Natutuwa ako sa gesture ng mga host ng It’s Showtime. Nang malaman nila, nang mabalitaan nila na namaalam na sa TAPE Inc. ang Tito, Vic and Joey wala kang mararamdanan na negatibong reaksyon mula sa kanila lalo na kay Kim Chiu,” sey ni Fermin.

Matatandaan na nagbigay si Kim ng suporta sa original hosts ng ‘Eat Bulaga’ na sina Tito, Vic, at Joey.

“Change is nandiyan talaga ‘yan. Parang ‘di naman natin mababago ‘yan. And then ‘yung high respect ng bawat isa sa TVJ is really there, kahit saan man sila mapunta or kung anuman. Susuporta at susuporta. Walang tao na hindi nakakakilala sa kanila. Sobrang taas po ng respeto natin sa kanila,” sey ni Kim.

Maging si Anne Curtis ay nagbigay din ng mensahe sa nangyari sa noontime show.

“We will always look up to ‘Eat Bulaga’. You know, they are the longest running noontime show in the Philippines and we will always look up to them… What a journey they’ve had up to this day. We will always idolize them. They have set the benchmark for Philippine noontime variety shows,” sey ni Anne.

Samantala, inaabangan na ng lahat ang posibilidad na mapapanood na ang TVJ sa TV5!

Panoorin ang kaugnay na video: