SHOCK: Lucena Mayor Mark Alcala has taken notice of Kathryn Bernardo and she may be in trouble for this reason..../hi - News

SHOCK: Lucena Mayor Mark Alcala has taken notice o...

SHOCK: Lucena Mayor Mark Alcala has taken notice of Kathryn Bernardo and she may be in trouble for this reason…./hi

Lucena Mayor Mark Alcala, nanliligaw rin kay Kathryn Bernardo

Kathryn Bernardo, may isa pang sikat na manliligaw.

mark alcala kathryn bernardo
An unimpeachable source confirms that Lucena Mayor Mark Alcala (left) is also courting Kapamilya star Kathryn Bernardo (right).

Si incumbent Lucena City Mayor Mark Alcala ang isa sa mga nanliligaw ngayon sa aktres na si Kathryn Bernardo, ayon sa isang unimpeachable source ng Cabinet Files.

Kilala si Mark ng mga taong mahihilig sa showbiz issues dahil siya ang dating karelasyon ng GMA-7 actress na si Ashley Ortega.

Si Ashley ang kasama ni Mark nang magsumite ito ng kandidatura bilang alkalde ng Lucena City noong Oktubre 8, 2021.

Nanalo siya sa eleksyon na idinaos noong Mayo 9, 2022.

Pero sa panayam kay Ashley noong Marso 3, 2023, kinumpirma niyang naghiwalay na sila ni Mark.

Nangyari raw ito matapos mahalal na mayor ang kanyang dating boyfriend, pero hindi na nagbigay ng ibang detalye ang aktres.

mark alcala ashley ortega

MARK ALCALA-MIKA REYES

Noong 2023, naging usap-usapan naman ang diumano’y relasyon ni Mark sa volleyball star na si Mika Reyes, ex-girlfriend ng aktor na si Jerome Ponce.

Sinabi ng Cabinet Files source na naghiwalay na umano sina Mark at Mika kaya malaya nang nakapanliligaw kay Kathryn ang 30-year-old mayor ng Lucena City.

mika reyes mark alcala

Mika Reyes and Mayor Mark Alcala

FROM BASKETBALL TO POLITICS

Walang kinalaman sa showbiz si Mark pero popular siya sa social media.

Bukod sa artistahin ang hitsura, mga kilalang personalidad mula sa entertainment industry at mundo ng sports ang mga nauugnay sa kanya.

Dating atleta si Mark dahil basketball player siya ng La Salle Green Archers noong estudyante pa siya ng business management course sa De La Salle University.

At dahil kabilang siya sa listahan ng most eligible bachelors na public servant, marami ang interesadong malaman ang mga kaganapan sa personal na buhay ni Mark.

Tiyak na lalong pag-uusapan si Mark dahil sa kanyang panunuyo kay Kathryn, na iniiugnay naman sa Kapuso star na si Alden Richards.

Sina Alden at Kathryn ang magkapareha sa pelikulang Hello, Love, Again, na sequel ng kanilang 2019 blockbuster movie na Hello, Love, Goodbye.

Kasalukuyang kinukunan ang mga eksena nina Alden at Kathryn sa Canada.

Boto ang mga tagahanga ni Kathryn kay Alden para maging boyfriend ng aktres kaya inaasahang may mga reaksiyon sila sa panliligaw ni Mark sa kanilang idolo.

 

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…